Rhea Ko :)

Rhea Ko :)

Monday, August 19, 2013

LONG DISTANCE RELATIONSHIP

Sa relasyon, eto na ata ang pina-common
sa ngayon.

Siguro, dahil na rin sa talamak na
naglilitawan na social networks.

Mga hindi mo sinasadyang makilala, mga
taong di mo kahit kailan naisip na
magakakaroon ng malaking impact sa
buhay mo.

Marahil inisip mo nung umpisa, NEVER at
napaka IMPOSIBLENG ma-inlove sa isang
taong HINDI mo pa nakikilala at HINDI mo
pa nakikita sa personal.

Pero sa kabilang banda, may posibilidad
talaga at hindi malayong mangyari lalo na
sa panahon ngayon.

Mapa-text man yan, chat, or Facebook.

Pwedeng pag-umpisahan. Pero sa ganitong
relasyon, aminin na naten, eto ang pinaka-
mahirap.

Bakit? Dahil isa na ring factor yung hindi
kayo magkasama, the fact na magkalayo
kayo.

Kaya pag pumasok kayo sa gantong
relasyon, dapat talaga may
tiwala rin kayo sa isa’t isa.

Doubts? Mahirap man iwasan yan.

Natural lang naman ang magselos,
malamang, mahal mo eh.

Pero nilulugar yan. Yung may makatuwiran
na dahilan or rason.

Isa pa, involve din dito yung TIME, eto na
lang din yung pwede
mong ibigay para iparamdam niyo sa isat
isa na mahal at seryoso kayo sa relasyon
niyo.

Disiplina sa sarili, bakit kailangan nito?

Kung magkasama kayo palagi, hindi ka
masyadong matutukso
gumawa ng masama.

Bantay-sarado ka pa nga kung minsan.

Takot kang gumawa ng kalokohan, kasi
nanjan lang sya, anytime pwede ka nyang
puntahan sa bahay mo at bugbugin.

Pero kung malayo kayo sa isat isa, dun
nasusukat kung gano talaga kayo katapat sa
isat isa.

Pag sinabi mong aalis ka at kasama mo
yung kapatid mo, siguraduhin mong
kapatid mo talaga kasama mo?

Pag sinabi mong matutulog ka na agad
pagkababa ng phone,
siguraduhin mong matutulog ka na talaga
at hindi na gagawa ng kung ano-ano?

Pag sinabi mong pupunta ka sa party at
hindi ka iinom, siguraduhin mong hindi
talaga.

Yung mga simpleng bagay, pag pinag
sisinungalingan pa naten, hindi imposibleng
makakagawa tayo ng mas malaki pang
kasinungalingan sa hinaharap.

Kaya naman talaga saludo ako at bilib na
bilib ako sa mga relasyon na nagumpisa at
nagkatuluyan din hanggang sa huli dahil sa
long distance relationship.

Dito na ma-tetest kung gano niyo kamahal
at kung gano kayo ka-dedicated sa isat isa.

Hindi hadlang kung ilang kilometro, dagat,
bundok, at panahon!
Kung mahal niyo ang isat isa, walang
kwenta at balewala yan.

Kung naniniwala kayong magiging masaya
kayo at sigurado na talaga kayo sa isat isat..

Im sure, WORTH IT lahat ng sacrifices niyo.

No comments:

Post a Comment