Rhea Ko :)

Rhea Ko :)

Monday, August 26, 2013

We meet some people sa buhay natin, and we give up some of them to get a better one

Huwag mo nang hintayin na dumating ang araw na wala ka nang kayang ibigay, to the point na pati sa sarili mo, wala nang natira.

Minsan kailangan pangmawala ang taong yan for us to realize na, ops di pala kompleto mundo ko kung wala ang taong to.

 Umiiyak ka ngayon dahil nagmahal ka ng tama, umiiyak ka kasi nagmahal ka ng galing sa puso.

Don’t let other people take you for granted. Huwag mong sanayin ang sarili mo sa ganon.

Ang relationship, parang internet minsan may downtime but it doesn't mean na walang connection.

Bago ka magdesisyong iwan sya isipin mo muna kung kaya mo syang makitang may kaholding hands na iba pag masalubong sya balang araw

May isang taong darating sa buhay mo na makakapagrealize sayo na nakamove-on kana pala. It's just a matter of time.

Badtrip ang mga lalaki no? Kung kailan naka-move on kana kasa sila magpaparamdam tapos iiwan ka ulit.

 Pain is not enough for you to move on

If you love someone, you just feel it and do it.

I can't answer a question "How to move on." Kase kanya kanya tayo ng process.

Pinili kong magkaibigan lang tayo kasi yun pang forever, kaysa sa magiging tayo tas maghihiwalay lang tayo.

Ang mga babae kapag gustong magpapansin, they do weird things.

We meet some people sa buhay natin, and we give up some of them to get a better one

Sa relasyon, kapag magkalayo ang dalawang tao dyan nasusubok ang tao pag magkalayo na.

Hindi dahil nagmahal ka, magiging tama na ang mga mali.

Ang pag-ibig kapag sineryoso.  minsan Nakakabobo.

Wag kang iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba.

Kung masaya ka sa piling ng isang tao, kahit hindi siya yung gusto ng mundo para sayo, ipaglalaban mo.

What matters in the long run is the Commitment

Huwag mo nang hintayin na dumating ang araw na wala ka nang kayang ibigay, to the point na pati sa sarili mo, wala nang natira.

Umiiyak ka ngayon dahil nagmahal ka ng tama, umiiyak ka kasi nagmahal ka ng galing sa puso.

Dadating at dadating ka sa punto na kailangan mong unahin ang sarili mo, at hindi yan kadamutan.

If you love the person, sacrifice.

Lagi mong iisipin na kapag may isang taong nawala sayo, di sya talaga para sayo. Na merong ibang taong nakalaan para sayo. 

Hindi dahil kaya ka nyang tyagain, di kana magbabago? Kung ang buhangin nga sa dagat nauubos, pasensya pa kaya?

Huwag mong hayaan na maging pangalawa ka lang sa buhay ng taong mahal mo. 

Ang lalake mas honest yan kapag naka inom yan.

Ang tao kahit higpitan mo yan ng todo, kung gusto kang lokohin, gagawa at gagawa yan ng paraan. 

Umiyak ka because you want to recover, not because you want to stay that way forever

Ang mga lalaki kapag umiyak nakakaawa e no. Pero karamihan ng lalaki kapag umiiyak, umaarte lang.

Ang pasensya kahit gaano kahaba, may hangganan. Ang pagmamahal gaano man kalalim, may katapusan. The only question is When.

Masuwerte ka dahil may taong nagmamahal sayo. Dahil yung iba kailangan pang ipagsiksikan ang sarili nila mahalin lang. 

Ang pagsabi ng I love you, hindi yan kontrata na magkakasama kayo habang buhay. But you can do everything to make it happen.

Ikaw na nga ang niloko, siya pa ang nakipaghiwalay.

Mahal ka pero walang commitment? Kung mahal ka nyan dapat may commitment, huwag aanga-anga. 

Minsan malalaman mo na nakapagmove-on kana kapag kaya mo ng magmahal ulit. Kapag kaya mo ng masaktan ulit. 

Katapangan ang ipaglaban ang taong mahal mo. Pero mas katapangan ang palayain ang taong mahal mo, na ayaw sayo. 

Sumaya lang sandali, inlove na agad. Natuwa lang saglit mahal na agad. May ganun tao talaga. Ngayon mahal ka. Bukas hindi na. 

Kahit gaano ka pa ka-busy kung desidido kang magbigay ng oras, magagawa mo. 

Hinding hindi ka talaga magiging masaya. Hindi ka kase marunong makuntento. 

Di masama ang maging bitter. The sooner you know that you're bitter the faster you'll know how to move-on.

Walang lalaking manyak kung walang babaeng malandi. 

Isang katapangan ang magpalaya sa isang taong mahal mo, kase alam mong hindi na uubra.

Pahalagahan mo ang taong hindi sumusukong mahalin ka. Dahil sa mundo, maaaring maraming tao, pero di ka makakakita ng kagaya nya.                            

 

Tuesday, August 20, 2013





Sa hinaba-haba man ng tulog ko,
IKAW pa rin ang dahilan ng pag gising ko


 Sabi ko kung sakaling magmamahal ako, pipiliin ko yung taong hindi ako sasaktan, saka hindi ako iiwan. Pero nh makilala kita, sabi ko sa sarili ko, “Hindi baleng masaktan, hindi naman masama kung susubukan”.

Landiin Muna Ang Lahat Nang Tao Sa Mundo ,
Huwag Lng Ang Nag Iisang Taong.
MAHAL NA MAHAL Ko!
Kung Ayaw Mong IPASILIP Ko Sau.
Kung Gaano KAGANDA Ang IMPYERNO.
At Gano KaLawak Ang SEMENTERYO xD :D!
Sabi ko sayo kailangan ko siya. Sabi ko sayo mahal ko siya. Sinabi ko rin na siya lang ang makakapagpasaya sa akin. Pero nasabi ko na ba, na ang SIYA at IKAW ay iisa?

Minsan may nagtanong sakin kung nainlove na daw ako…Napangiti ako sa sinabi niya…Because at that very moment..I was thinking of YOU. :)

Darating ang araw lahat ay lilipas at magbabago ang lahat. Pero isa lang ang  hindi pwede magbago…. ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa’yo.

I’m thinking of U. I want to be with u. I am longing for U. I have a crush on U. I want to hug and kiss U. I love U. Ikaw, love mo rin ba ang letter U?

Aaminin ko sayo, nung nakilala kita may mahal akong iba. Tulad mo hindi rin siya maalis sa isip ko. Pero wag mo isipin na minahal kita para makalimutan siya, kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka.

Monday, August 19, 2013

Kung talagang mahal mo
ang isang tao
Hindi mo hahanapin sa
ibang tao ang mga pagkukulang niya sayo.


Malalaman mo kung mahal
ka talaga ng isang tao kapag yung effort
na inaasahan mo, 
higit pa yung effort na
binibigay niya sayo.



LONG DISTANCE RELATIONSHIP

Sa relasyon, eto na ata ang pina-common
sa ngayon.

Siguro, dahil na rin sa talamak na
naglilitawan na social networks.

Mga hindi mo sinasadyang makilala, mga
taong di mo kahit kailan naisip na
magakakaroon ng malaking impact sa
buhay mo.

Marahil inisip mo nung umpisa, NEVER at
napaka IMPOSIBLENG ma-inlove sa isang
taong HINDI mo pa nakikilala at HINDI mo
pa nakikita sa personal.

Pero sa kabilang banda, may posibilidad
talaga at hindi malayong mangyari lalo na
sa panahon ngayon.

Mapa-text man yan, chat, or Facebook.

Pwedeng pag-umpisahan. Pero sa ganitong
relasyon, aminin na naten, eto ang pinaka-
mahirap.

Bakit? Dahil isa na ring factor yung hindi
kayo magkasama, the fact na magkalayo
kayo.

Kaya pag pumasok kayo sa gantong
relasyon, dapat talaga may
tiwala rin kayo sa isa’t isa.

Doubts? Mahirap man iwasan yan.

Natural lang naman ang magselos,
malamang, mahal mo eh.

Pero nilulugar yan. Yung may makatuwiran
na dahilan or rason.

Isa pa, involve din dito yung TIME, eto na
lang din yung pwede
mong ibigay para iparamdam niyo sa isat
isa na mahal at seryoso kayo sa relasyon
niyo.

Disiplina sa sarili, bakit kailangan nito?

Kung magkasama kayo palagi, hindi ka
masyadong matutukso
gumawa ng masama.

Bantay-sarado ka pa nga kung minsan.

Takot kang gumawa ng kalokohan, kasi
nanjan lang sya, anytime pwede ka nyang
puntahan sa bahay mo at bugbugin.

Pero kung malayo kayo sa isat isa, dun
nasusukat kung gano talaga kayo katapat sa
isat isa.

Pag sinabi mong aalis ka at kasama mo
yung kapatid mo, siguraduhin mong
kapatid mo talaga kasama mo?

Pag sinabi mong matutulog ka na agad
pagkababa ng phone,
siguraduhin mong matutulog ka na talaga
at hindi na gagawa ng kung ano-ano?

Pag sinabi mong pupunta ka sa party at
hindi ka iinom, siguraduhin mong hindi
talaga.

Yung mga simpleng bagay, pag pinag
sisinungalingan pa naten, hindi imposibleng
makakagawa tayo ng mas malaki pang
kasinungalingan sa hinaharap.

Kaya naman talaga saludo ako at bilib na
bilib ako sa mga relasyon na nagumpisa at
nagkatuluyan din hanggang sa huli dahil sa
long distance relationship.

Dito na ma-tetest kung gano niyo kamahal
at kung gano kayo ka-dedicated sa isat isa.

Hindi hadlang kung ilang kilometro, dagat,
bundok, at panahon!
Kung mahal niyo ang isat isa, walang
kwenta at balewala yan.

Kung naniniwala kayong magiging masaya
kayo at sigurado na talaga kayo sa isat isat..

Im sure, WORTH IT lahat ng sacrifices niyo.